Saturday, September 13, 2014

Ang Teknolohiya






Sa pag-usbong ng ating teknolohiya ay di natin maiiwasang makisangkot sa mga makabagong teknolohiya na lumaganap. Ang teknolohiya ay mayroong higit sa isang kahulugan. Isa sa mga kahulugan ang pagsulong at paglapat ng mga kasangkapan, makina, kagamitan at proseso upang tumulong sa paglunas ng mga suliranin ng tao. Bilang isang gawain ng tao, ang teknolohiya ay nauna pa kaysa sa agham at inhinyeriya.

Kadalasang iniuugnay ang katagang teknolohiya sa mga imbento at gadget na ginagamit ang kailan lamang natuklasang na proseso at prinsipyong maka-agham. Gayon man, isinilarawan din ng teknolohiya ang kahit na ang pinakalumang imbento katulad ng gulong.

Sa isa pang kahulugan na ginagamit ng ekonomiya, nakikita ang teknolohiya bilang ang kasalukuyang kalagayan ng ating kaalaman kung papaano pagsamasamahin ang mga kakayahan upang magbunga ng ninanasang produkto (at kung anumang maibubunga ng ating kaalaman). Sa gayon, nakikita natin ang pagbabago sa teknolohiya kung nadadagdagan ang ating kaalaman dito.

Ang teknolohiya ay may mabuting naiiaambag at maiiaambag nito sa ating sa pangangalap ng impormasyon, pagsagot ng ating katanungan at iba pa sa kabilang dako naman ang masyadong paggamit nito ay may malaki ring bunga sa ating buhay magiging dependent tayo sa teknolohiya at di maiiwasang masangkot sa ibat-ibang gulo lalo na sa social networking sites.

Sa pagsulong nito ay kaylangang maging maingat at huwag makadepende parati sa mga teknolohiya dahil sa bawat pangyayari may kalakip na positibo at negatibong bunga.


No comments:

Post a Comment